Miyerkules, Setyembre 29, 2010

Mahirap Maging Mataba dahil... #25

masyadong magastos sa damit gaya ng nabanggit sa naunang post. ang isa pang magastos sa pagiging mataba ay...

Mas Malakas Tayo Gumamit ng Deodorant!
Heto ang mga rason:
- kelangan mag "double-coat" kasi mas mainit ang mga kili-kili natin kaya mas malamang magpapawis
- mas malaki ang area ng kili kili natin at ng parte na nagdidikit ang balat-sa-balat na pinamamahayan ng init ng katawan. tingnan ang pagkukumpara sa imaheng ito:


makikitang mas malapad, mas mahaba, ang area ng kili-kili pag mataba
hindi sapat ang pa-piso-piso a day ng Rexona

galing dito ang imahe:
http://www.dailymail.co.uk/tvshowbiz/celebbigbrother/article-1126499/Terry-Christian-gets-taste-medicine-forced-lick-overweight-mans-sweaty-armpit.html

Sabayan Niyo Ako Magpapayat Para sa Pasko :D

Kasalukuyan ako ay naka break sa pagpapapayat. One whole week of eating "Normal". Sinabi kong normal kasi balanseng kinakain ng normal na tao.... hindi lahat healthy, hindi rin naman lahat unhealthy. Steady lang.

Hindi pa ako payat. (sobrang layo ko pa sa pagiging payat!) Pero considering the weight nung nasa pinaka-mabigat ko ako, medyo malayo layo na rin. From 248 to 193 lbs., not bad diba? Pero long way to go pa!

Sa height kong 5 feet 6 inches. Dapat nasa mga 160 lbs. ang timbang ko. 185 lbs. para makonsiderang "overweight" at above 185 ay mabibilang na sa Obese. SO ngayon, Obese pa rin ako.

Ang target ko, dapat man lang, below 185 ako sa Pasko.

HINDI MADALING MAGPAPAYAT - alam nating lahat yan.

Huwag na nating lokohin ang sarili natin. Papayat tayo sa tulong ng disiplina at disiplina. Dagdagan na rin ng konti pang disiplina.

Hindi ako eksperto sa kalusugan, pero, kapag nagpatest tayo ngayon, lahat ng Sugar, cholesterol levels, at etc. ko, normal at minsan eh mababa pa nga. Blood Pressure ko ay 110/80. Normal daw yun. SO I guess, I'm doing ok.

ang pinagmulan ng ibabahagi ko sa inyo ay base sa GM Diet
Binagay ko lang to sa lifestyle ko at readily available sakin.

Ito ang ginawa ko ALONE (without exercise) from 

248

to 213


from 213, with exercise
to 193



Kaya ako nagsimula mag exercise ay dahil hindi na gumagana ang diet alone dahil nasanay na siguro katawan ko.

Sinisimulan ko ang diet ko ng Tuesdays para pag weekends, pwede ako mag karne :)

Bago ang lahat. Heto mga bawal:
- Soft Drinks
- Juice (maging fruit juice/ timplado lang/ artificial atbp)
- Kape kape ng mga sosyal na may sangkatutak na cream at sugar.
- mga Healthy daw na Green Tea gaya ng mga C2, Real Leaf, atbp kasi sangkaterba din ang asukal nila
- Alak, Beer (although once a week, pwede magpalusot ng 2 bottles)
- Yosi (well wala namang nakalagay sa original na bawal yosi. Gusto ko lang tumigil na kayo magyosi kasi sayang sa pera at bad yun)


Mapapansin niyong dami bawal inumin at ang natitira na lang ay tubig... Anong masama sa tubig? Sarap nga eh!
Sa buong week ng diet, siguraduhin niyong at least maka 8 tall glasses kayo ng tubig araw-araw. Ako ginagawa ko, may lalagyan ako ng tubig na tig 1 liter. At least 2 liters dapat mainom ko sa isang araw.

So heto ang normal kong kinakain

Tuesdays: Lahat ng prutas, mapwera ang saging
- ang ginagawa ko ay Grapes lang ang kinakain ko buong araw, around 500 to 700 grams nauubos ko. Alam ko medyo mahal ang grapes at nasasa inyo yun, ang payo nga sa net eh Pakwan, kaso ang sakin, madaling kainin ang ubas at pwede mo lang siya ilagay sa tabi mo, kain ka lang pag nagugutom ka :D

Wednesdays: Lahat ng gulay pwera patatas
- Actually pwede ang patatas sa ALMUSAL lang. Ang ginagawa ko, umoorder ako ng fries sa mcdo, yung medium o minsan large pa nga hahaha! busog na ako nito for 4 hours. Tapos tanghalian ko ay Munggo, tapos early dinner ay corn kernels (oo, yung delata). Siguro may mag tataas ng kilay na masama yung fries ng mcdo, masama ang delata. ang sagot ko ay masama din ang pizza, masama din ang adobong baboy, lahat naman masama PAG NASOBRAHAN. eh once a week lang to kaya chill lang.

Thursdays: Lahat ng prutas at gulay mapwera ang saging at patatas
- ang ginagawa ko dito, Munggo na may malunggay sa umaga, tapos kain kain ng grapes na natira sa isang kilo kong binili nang tuesday, tapos mais sa hapon, tapos grapes pa uli na natira pag gutom pa.

Fridays: up to 8 na Saging na Lakatan, at 1 Litrong Milk
- ito ang pinaka-madaling diet day. Mabigat kasi ang saging sa tiyan, tapos pag sinabayan mo ng gatas, lalong nakakabusog. Hindi ko nauubos lahat ng 8, minsan 4, minsan 5 lang.

Saturdays: Tomatoes and Beef day
- Instead na beef, Chicken/Fish kinakain ko, basta nililimitahan ko ang sarili ko pag sa manok ng 1 whole chicken para sa buong araw. Max na yun ha! Pag sa fish eh 3 boneless bangus. Kung beef talaga gusto niyo eh 600 grams ang limit but please, NO PORK :) tapos dapat maconsume mo 6 na kamatis sa araw na yun. 2 kamatis every meal. Ang ginagawa ko, pinapatadtad ko ng malilit yung kamatis at nilalagyan ko kalamansi at sili/paminta. para ka nang may salsa diba?

Sundays: Beef and Veggie Day
- Ganun din ginagawa ko, Same limit ng Chicken o Fish, or beef kung gusto niyo. Tapos every meal, sinasamahan ko ng maraming gulay  pampabusog din. Bawal patatas ha!

Mondays: Veggie all you can mapwera patatas
- ang ginagawa ko Ampalaya, Munggo, at Mais. Yang 3 ang pinag mimix ko kung sino ang kakain ko ng umaga tanghali gabi


Mapapansin niyo, mahilig ako sa munggo with malunggay at delatang corn kernels - ang rason, sila yung mura eh. 30 pesos lang per meal papatak :D kasi napamahal na ako sa gastos sa grapes dahil nagrrange sa 180-300 ang presyo nito per kilo.

Ang exercise na ginagawa ko:
- 40 minutes na alternate na brisk walk at incline sa treadmill. Pwede kayo mag-jog o takbo talaga pero sabi nung doctor masama daw sa tuhod pag mabigat kaya wag na lang.
- 50 to 100 na situps

ginagawa ko to 3 to 5 times a week, usually Wednesdays, Thursdays, Fridays, Sundays at Mondays :D

Ginagawa ko yung diet hangga't nabawas ako ng at least 2 lbs. a week. Pag 1lb. a week na lang, nag b-break ako ng 1 week gaya ngayon.

Sana pag pag balik ko sa diet next week, maglose pa ako at dirediretso na patungo sa goal ko.
Sabayan niyo ako, para sa Pasko, hindi tayo takot magpapicture :D


Heto ang sinasabi kong pinagmulan na GM diet:
http://www.iimahd.ernet.in/~jajoo/gmdiet.html
pwede rin kayo gumawa ng sarili niyong menu araw araw.


Apir!

Mahirap Maging Mataba dahil... #24

kapag nakatalikod tayo, o minsan kahit harapan, kahit ano pang ikinaganda ng pangalan mo, hindi mawawala na ang palayaw/tawag sayo ay:

- baboy
- biik
- taba
- tabachoy
- tabachingching
- Lilit (for Lilitsunin)
- Sis (short for sisig)
at marami pang iba!

Huwebes, Setyembre 23, 2010

Mahirap Maging Mataba dahil... #23

galing uli kay Langot

karamihan daw ito sa babae:

Mahirap Maging Mataba dahil
- mapipilitan kang mag-jacket, o kahit anong pang-layer sa damit kahit mainit pa ang panahon.... ang dahilan ay para magtago ng mga bilbil sa paligid-ligid.


*ladies don't hate on me, si Langot may sabi nito ha *peace*

Mahirap Maging Mataba dahil... #22

From a friend, the same friend who suggested entry #7. Let's just call HER "langot"

Ang entry na ito ay somehow related to #17.

Mahirap maging mataba dahil....

kapag ikaw ay commuter, at sumasakay ng jeep, alam mo naman siguro ang mga kundoktor eh pagkakasyahin lahat ng pwede pagkasyahin sa jeep diba?

kundoktor: sir may isa pa dito sa kaliwa! siyaman yan! (kaso.... pandalawang tao nga okupado natin eh)

siyempre susundin mo siya, ngayon iba-iba ang reaksyon ng tao, pero wala ditong positive!
- merong ii-style na lalakihan ang upo para hindi ka umupo sa part niya
- at pag umupo ka sa tabi nila, sisimangutan ka pa!

hindi jan nagtatapos ang problema, kung ikaw ay lalake, goodluck na lang kay Junior....


galing dito ang imahe:

Mahirap Maging Mataba dahil... #21

sa isang group/family picture, kelangan mong intindihin na:
- iwasang tumabi sa payat
- kung may oportunidad kang magtago ng katawan sa likod ng isang tao, go grab it!



yeah... ako yung naka-blue

Miyerkules, Setyembre 22, 2010

Mahirap Maging Mataba dahil... #20

mahirap maggupit ng kuko sa paa!

medyo malaking effort pag nakaupo ka sa normal na upuan lang. so mas ok kung naka upo ka sa kama dahil mas makaka-bend ka without worrying na malalaglag ka sa kinauupuan mo.

another technique na may nag-tip sakin eh habang nakaupo, kuha ka ng stool at lagay mo sa side mo, patong mo dun paa mo tapos paside ang bend. I hope hindi tayo umabot sa point na kelangan na gamitin ang nasabing technique

Martes, Setyembre 21, 2010

Mahirap Maging Mataba dahil... #19

kung tratuhin ka ng tao ay parang wala kang karapatan/ hindi ka expected maging magaling o maayos.


Pretty bold statement, right? Tingnan natin.


Ilang beses niyo na ba narinig to?


"Aba, kahit mataba yon, magaling kumanta yon"
"Aba, kahit mataba yon, magaling sumayaw yon"
"Aba, kahit mataba yon, magaling mag-aral yon"
"Aba, kahit mataba yon, magaling maglaro yon"
"Aba, kahit mataba yon, mabango yon"
"Aba, kahit mataba yon, maayos manamit yon"
"Aba, kahit mataba yon, mababa presyon non"
"Aba, kahit mataba yon, *insert something positive here* yon"
:

Huwebes, Setyembre 16, 2010

Mahirap Maging Mataba dahil... #18

Ang hirap mamili ng kulay ng damit...
dapat daw dark para hindi nakakalaki.
at iwasan daw ang mga bright para hindi kita
ang kalakihan ng katawan....

pero ang natutunan ko talaga na big NO ay 
Purple at Apple Green

dahil pag nagsuot ka ng purple, ikaw daw si Grimace

at pag nag-apple green ka, ikaw naman si Shrek


galing dito ang mga larawan:
http://www.theocinsider.com/backstage/ocinsidejokes.html
http://www.product-reviews.net/2007/05/31/shrek-4-and-5-films-announced-by-dreamworks/

Mahirap Maging Mataba dahil... #17

sa salitang "Pandalawang-Tao"
yan lagi expected/pang-describe satin e, minsan nakakapikon na. at masakit na sa tenga
 gaya ng: 
- sa pagkain
- sa upuan
- sa nasasakop sa higaan
- sa bigat...

well, ganito ako nung bata sa playground pag nasa seesaw...



tama nga sila :s


galing dito ang imahe:
http://www.quirkycottages.com/page/59774/default.asp

Miyerkules, Setyembre 15, 2010

Mahirap Maging Mataba dahil... #16

karamihan sa ating matataba ay  mahilig sumama sa mga parties at inuman. maging birthday, anniversary, o kahit tambay lang, nag-eenjoy tayo at kadalasan pa nga ay tayo ang "life of the party" dahil natural na jolly ang mga matataba. kaso, minsan, may mga aksidenteng nangyayari sa party na specific lamang sa mga matataba... masyado ba akong sadista sa mga katulad natin, kamo?

hindi ako nagbibiro...

heto:


tenen! Monoblock/Plastic Chairs!

Ilang beses ka na bang nakakita ng nalaglag dahil nagsplit ang paa ng monoblock na inuupuan ng taong payat? Hindi pa diba? exactly my point. 

Nangyari na sa akin to at least 4 times! Twice in a birthday party, isa sa inuman, at yung pinaka recent, sa session hall habang nagco-company outing kami  at may nagsasalita sa unahan. eksena mehn!

At sa 4 times na nangyari sakin yun, heto lang mapapayo ko para makaiwas:
1. Mag-ingat kapag tiles ang sahig sa ilalim ng monoblock chair mo.
2. Any rough surface like pebbled-flooring, brushed concrete finish atbp., makakatulong to para hindi dumulas at magsplit ang paa ng chair.
at ang pinaka importante...
3. Any rough surface gaya ng nabanggit sa taas, kapag may nagtatapon ng alak sa katabi mo sa inuman, at nabasa ang area sa may paa... dumudulas din to... trust me


galing dito ang larawan:
http://www.nufurn.com.au/chairs/event/barrel.htm

Mahirap Maging Mataba dahil... #15

kung ikaw ay lalaki at mataba. Naku, malamang marami-rami na ang nang asar sayo ng.....
"Anung Cup Yan?"
"Hoy mahiya ka naman, indecent exposure!"
"Mag-bra ka nga!"
"Uy pare yung nipples mo magkagalit, nakaturo sa magkaibang direksyon" / "utong mo nasa may kili-kili na"

Oh yes.... ang curse sa mga obese na lalaki.....
Man Boobs
"Moobs"


galing dito ang imahe:

Mahirap Maging Mataba dahil... #14


QWERTY PHONES:
- USO
- STYLISH
- NAPAKA-GANDA
.....
- HIRAP PINDUTIN PAG MATABA

Aminado ako, nagandahan ako sa QWERTY Phones kaya bumili ako ng isa. Kaso wala pang dalawang buwan, suko nako... niloloko ko lang sarili ko, mali mali na napipindot ko dahil sa isang pindot, dalawang letra nata-type

Martes, Setyembre 14, 2010

Mahirap Maging Mataba dahil... #13

kapag isa ka sa mga huling sumakay sa elevator, at biglang nagbuzzer dahil overloaded na.....
Ikaw ine-expect ng mga tao na lumabas kahit ikalawa o ikatlo ka sa huling pumasok...

Lunes, Setyembre 13, 2010

Mahirap Maging Mataba dahil... #12

mahal ang American Size na damit. Ang hirap makabili ng damit mula sa bench, penshoppe, tiangge, at iba pang murang damit dahil kadalasan ay hindi kasya!

Biyernes, Setyembre 10, 2010

Mahirap Maging Mataba dahil... #11

Kapag merong mag-ina at yung anak niyang bata ay makulit, nakupo, lumayo ka na sa kanila!

Ang rason: kapag naging desperado na sa pagdidisiplina, gagamitin na ang isa sa mga ultimate na panakot...

"Sige ka! Kapag hindi ka tumigil, PAPAKAIN KITA DUN SA MAMANG MATABA!"

Mahirap Maging Mataba dahil... #10

Mahirap kumain sa fastfood at restos na may "fixed" na upuan.

Naranasan ko na minsan, habang nakaupo ako, may part ng bilbil ko, nakapatong sa lamesa.

Mahirap Maging Mataba dahil... #9

Mahirap sumakay ng Tricycle! ... sa mga sumusunod na dahilan:

- kapag ikaw ay may kasintahan, dyahe kasi ang sikip pag nagtabi kayo sa loob. kung ikaw ay lalake, dude, sa likod ka ng driver umupo.

- kapag ang destinasyon mo ay pa-ahon AT..... may humps! Naranasan ko nang pababain ng tricycle driver dahil pag dating sa humps ay hindi na kinaya! "tutoy, baba ka muna, dun na lang kita sa taas tagpuin"

Huwebes, Setyembre 9, 2010

Mahirap Maging Mataba dahil... #8

Kung ikaw ay mataba at mahilig ka manuod ng sine, siguraduhin mong bago ka humanap ng upuan:
- mag CR ka na
- bumili ng kelangang bilhin

dahil kapag malas mo at hindi ka sa pinakadulo ng row, sa liit ng spaces between the rows, ang hirap lumabas.
Ang hirap magsqueeze ng hita, at kung hahakbang ka man, malamang may matatapakan kang paa na mas lalong nakakahiya dahil mabigat ka

Mahirap Maging Mataba dahil... #7

From a friend:

Mahirap magtali ng sintas ng sapatos habang nakaupo kapag nakabutones ang pantalon.
Kelangan i-unbutton muna.

Mahirap Maging Mataba dahil... #6

Medyo mahirap humanap ng angle sa mga picture. Habang ang iba ay bukod na pinagpala gaya nina Aga Muhlach, Piolo Pascual na kung tawagin ay "walang anggulo" dahil kahit anung kuha ay maayos tingnan,
ang mga kagaya ko ay nahihirapan dahil "walang anggulo" - na matino! Kahit saan ko ibaling ang ulo ay lumalabas ang bilbil ko sa leeg.

Isa lang ang solusyon: kung galing sa taas ang kuha, para makita muna shape ng mukha bago ang bilbil sa leeg

Mahirap Maging Mataba dahil... #5

Kadalasan, kahit hindi luwag ang pantalon, kelangang magsinturon.
Ang dahilan: tinutulak pababa ng bilbil yung pantalon,
ang masaklap, dahil palabas ang tulak, nakikita yung inside ng pantalon, at pag minalas,
kasama yung natuping garter ng briefs inside out.

Mahirap Maging Mataba dahil... #4

Minsan, pag minamalas, mahirap i-butones ang pantalon.
Hihiga ka pa muna sa kama at pipigilin ang paghinga sabay kabit ng butones at zipper ng mabilis.
(Mahirap ang mahinang klase ng pantalon dahil minsan, mapatawa ka lang ng malakas,
bibitaw at tatalsik ang butones - GAME OVER)

Mahirap Maging Mataba dahil... #3

Kahit gaano ka kalinis sa katawan upang maging mabango,
kapag nasa isang lugar ka na siksikan at may amoy maasim o amoy putok,
nako, sa mata ng ibang tao, ikaw ang unang salarin!

Mahirap Maging Mataba dahil... #2

Kapag ikaw ay kasama sa isang grupong nagbabakasyon...
At nagkataong mayroong Island Hopping.
Lantarang ibro-broadcast ng bangkero:
"Boss diyan ka na sa gitna ha, para balanse ang bangka at hindi tayo tumagilid"

Mahirap Maging Mataba dahil... #1

Kapag napapaligiran ka ng tao... tapos biglang nag-amoy utot....


Patay tayo jan! Lahat ng tao, iisipin nila agad - IKAW ANG UMUTOT! 

Mahirap Maging Mataba

Sa mundong ating ginagalawan, napakahirap kapag ikaw ay mataba. Literal, mahirap gumalaw. At kung hindi pa sapat ang pagdurusa bilang isang "obese", nandiyan pa ang kasamang pang-aalisputa at diskriminasyon ng mga taong hindi marunong umintindi - malamang dahil buong buhay nila, sila ay payat. 

Nais ko ilagay sa espasyong ito kung ano ang mga naransan ko, pati na rin ang mga nararanasan ng mga kagaya kong gising na gising nang magsabog ang Diyos ng katabaan. Ilalagay ko ito sa ayos ng isang listahan.

Ito ang listahan ng mga rason kung bakit MAHIRAP MAGING MATABA

©