Miyerkules, Setyembre 29, 2010

Sabayan Niyo Ako Magpapayat Para sa Pasko :D

Kasalukuyan ako ay naka break sa pagpapapayat. One whole week of eating "Normal". Sinabi kong normal kasi balanseng kinakain ng normal na tao.... hindi lahat healthy, hindi rin naman lahat unhealthy. Steady lang.

Hindi pa ako payat. (sobrang layo ko pa sa pagiging payat!) Pero considering the weight nung nasa pinaka-mabigat ko ako, medyo malayo layo na rin. From 248 to 193 lbs., not bad diba? Pero long way to go pa!

Sa height kong 5 feet 6 inches. Dapat nasa mga 160 lbs. ang timbang ko. 185 lbs. para makonsiderang "overweight" at above 185 ay mabibilang na sa Obese. SO ngayon, Obese pa rin ako.

Ang target ko, dapat man lang, below 185 ako sa Pasko.

HINDI MADALING MAGPAPAYAT - alam nating lahat yan.

Huwag na nating lokohin ang sarili natin. Papayat tayo sa tulong ng disiplina at disiplina. Dagdagan na rin ng konti pang disiplina.

Hindi ako eksperto sa kalusugan, pero, kapag nagpatest tayo ngayon, lahat ng Sugar, cholesterol levels, at etc. ko, normal at minsan eh mababa pa nga. Blood Pressure ko ay 110/80. Normal daw yun. SO I guess, I'm doing ok.

ang pinagmulan ng ibabahagi ko sa inyo ay base sa GM Diet
Binagay ko lang to sa lifestyle ko at readily available sakin.

Ito ang ginawa ko ALONE (without exercise) from 

248

to 213


from 213, with exercise
to 193



Kaya ako nagsimula mag exercise ay dahil hindi na gumagana ang diet alone dahil nasanay na siguro katawan ko.

Sinisimulan ko ang diet ko ng Tuesdays para pag weekends, pwede ako mag karne :)

Bago ang lahat. Heto mga bawal:
- Soft Drinks
- Juice (maging fruit juice/ timplado lang/ artificial atbp)
- Kape kape ng mga sosyal na may sangkatutak na cream at sugar.
- mga Healthy daw na Green Tea gaya ng mga C2, Real Leaf, atbp kasi sangkaterba din ang asukal nila
- Alak, Beer (although once a week, pwede magpalusot ng 2 bottles)
- Yosi (well wala namang nakalagay sa original na bawal yosi. Gusto ko lang tumigil na kayo magyosi kasi sayang sa pera at bad yun)


Mapapansin niyong dami bawal inumin at ang natitira na lang ay tubig... Anong masama sa tubig? Sarap nga eh!
Sa buong week ng diet, siguraduhin niyong at least maka 8 tall glasses kayo ng tubig araw-araw. Ako ginagawa ko, may lalagyan ako ng tubig na tig 1 liter. At least 2 liters dapat mainom ko sa isang araw.

So heto ang normal kong kinakain

Tuesdays: Lahat ng prutas, mapwera ang saging
- ang ginagawa ko ay Grapes lang ang kinakain ko buong araw, around 500 to 700 grams nauubos ko. Alam ko medyo mahal ang grapes at nasasa inyo yun, ang payo nga sa net eh Pakwan, kaso ang sakin, madaling kainin ang ubas at pwede mo lang siya ilagay sa tabi mo, kain ka lang pag nagugutom ka :D

Wednesdays: Lahat ng gulay pwera patatas
- Actually pwede ang patatas sa ALMUSAL lang. Ang ginagawa ko, umoorder ako ng fries sa mcdo, yung medium o minsan large pa nga hahaha! busog na ako nito for 4 hours. Tapos tanghalian ko ay Munggo, tapos early dinner ay corn kernels (oo, yung delata). Siguro may mag tataas ng kilay na masama yung fries ng mcdo, masama ang delata. ang sagot ko ay masama din ang pizza, masama din ang adobong baboy, lahat naman masama PAG NASOBRAHAN. eh once a week lang to kaya chill lang.

Thursdays: Lahat ng prutas at gulay mapwera ang saging at patatas
- ang ginagawa ko dito, Munggo na may malunggay sa umaga, tapos kain kain ng grapes na natira sa isang kilo kong binili nang tuesday, tapos mais sa hapon, tapos grapes pa uli na natira pag gutom pa.

Fridays: up to 8 na Saging na Lakatan, at 1 Litrong Milk
- ito ang pinaka-madaling diet day. Mabigat kasi ang saging sa tiyan, tapos pag sinabayan mo ng gatas, lalong nakakabusog. Hindi ko nauubos lahat ng 8, minsan 4, minsan 5 lang.

Saturdays: Tomatoes and Beef day
- Instead na beef, Chicken/Fish kinakain ko, basta nililimitahan ko ang sarili ko pag sa manok ng 1 whole chicken para sa buong araw. Max na yun ha! Pag sa fish eh 3 boneless bangus. Kung beef talaga gusto niyo eh 600 grams ang limit but please, NO PORK :) tapos dapat maconsume mo 6 na kamatis sa araw na yun. 2 kamatis every meal. Ang ginagawa ko, pinapatadtad ko ng malilit yung kamatis at nilalagyan ko kalamansi at sili/paminta. para ka nang may salsa diba?

Sundays: Beef and Veggie Day
- Ganun din ginagawa ko, Same limit ng Chicken o Fish, or beef kung gusto niyo. Tapos every meal, sinasamahan ko ng maraming gulay  pampabusog din. Bawal patatas ha!

Mondays: Veggie all you can mapwera patatas
- ang ginagawa ko Ampalaya, Munggo, at Mais. Yang 3 ang pinag mimix ko kung sino ang kakain ko ng umaga tanghali gabi


Mapapansin niyo, mahilig ako sa munggo with malunggay at delatang corn kernels - ang rason, sila yung mura eh. 30 pesos lang per meal papatak :D kasi napamahal na ako sa gastos sa grapes dahil nagrrange sa 180-300 ang presyo nito per kilo.

Ang exercise na ginagawa ko:
- 40 minutes na alternate na brisk walk at incline sa treadmill. Pwede kayo mag-jog o takbo talaga pero sabi nung doctor masama daw sa tuhod pag mabigat kaya wag na lang.
- 50 to 100 na situps

ginagawa ko to 3 to 5 times a week, usually Wednesdays, Thursdays, Fridays, Sundays at Mondays :D

Ginagawa ko yung diet hangga't nabawas ako ng at least 2 lbs. a week. Pag 1lb. a week na lang, nag b-break ako ng 1 week gaya ngayon.

Sana pag pag balik ko sa diet next week, maglose pa ako at dirediretso na patungo sa goal ko.
Sabayan niyo ako, para sa Pasko, hindi tayo takot magpapicture :D


Heto ang sinasabi kong pinagmulan na GM diet:
http://www.iimahd.ernet.in/~jajoo/gmdiet.html
pwede rin kayo gumawa ng sarili niyong menu araw araw.


Apir!

14 Comments:

Anonymous Hindi-nagpakilala said...

try weights! :) nakakatulong sya sobra! - florian

Setyembre 29, 2010 nang 9:23 AM 
Anonymous Jennie said...

APIR!!!! :)

Setyembre 29, 2010 nang 9:30 AM 
Blogger Chewy said...

@Florian: thanks! yeah sinisimulan ko na nga eh :) pero magaan lang tapos maraming reps kasi may mga taba pa, ayoko tumigas na malaki :D you look great and healthy! apir!

@Jenners: let's go!

Setyembre 29, 2010 nang 9:34 AM 
Anonymous Hindi-nagpakilala said...

Ahay! Goodluck Chief! Tama yan, kasi pagdating ng pasko masarap kumain hanggang sa pagsapit ng bagong taon! Bewm!

Setyembre 29, 2010 nang 11:24 AM 
Blogger Chewy said...

@JohnABAMF: oo pre, pagdating ng pasko, lechon kong lechon! suuuhhhhraaaaap!!

Setyembre 29, 2010 nang 12:48 PM 
Blogger neatcrew_omar said...

go chewy!!! whoa neat supports and approves this blog hahaha!!

Setyembre 29, 2010 nang 1:28 PM 
Blogger Chewy said...

@Omar: hahaha thanks! kudos sa neat crew niyo, very neat rides! hindi pilit ang porma kaya mas malakas dating, whoa neat!

Setyembre 29, 2010 nang 1:50 PM 
Anonymous Hindi-nagpakilala said...

bucho nakakainspire naman yan. sexy mo na! :) i tried that diet, hindi ako umabot ng 3rd day. hahaha! goodluck sayo! :)
-paula

Setyembre 29, 2010 nang 4:49 PM 
Anonymous Hindi-nagpakilala said...

Tama yan dapat maging healthy and happy. More power Chewy!

Setyembre 29, 2010 nang 9:26 PM 
Blogger Chewy said...

@Paula: bucha! hahaha pag desidido na talaga pumayat, kaya yan :D thanks bucha! miss na kita!

@JaoMadaf: tamang tama ang sinabi mo! apir! haha salamat parekoi :)

Setyembre 29, 2010 nang 10:25 PM 
Anonymous mich said...

hi!! nabasa ko tong blog mo.. gusto kita tulungan.. may tip ako sayo para makatulong sa pagpapapayat.. try mo lean & fab! makakatulong rin un para ma-maintain mo ung body mo pag payat ka na.

http://www.sulit.com.ph/index.php/view+classifieds/id/2773887/LEAN+%26+FAB+lose+those+Flabs+in+just+TWO+WEEKS

Oktubre 17, 2010 nang 9:48 AM 
Blogger Chewy said...

hi mich :) mukhang ok nga yan a. dibale pag hindi na kaya ng diet at exercise, i'll try that. Sa ngayon nabawas pa naman timbang ko so ok pa ako :D thanks for the info. Helpful to sa mga readers na walang time mag exercise at mag-diet :) cheers!

Oktubre 19, 2010 nang 5:57 AM 
Blogger Miss K. said...

My friend did this diet too! i heard it from her last September and i was meaning to try it.

Oktubre 24, 2010 nang 1:07 PM 
Blogger Chewy said...

@Kiran: go! you'll love this program! hey..... you only read this http://www.iimahd.ernet.in/~jajoo/gmdiet.html
noh, and not my entry because it's in tagalog noh?! hahaha! try it! Tuesday is the best day to start this diet so that you can eat Chicken/Fish/Beef on weekends :D

Oktubre 24, 2010 nang 7:58 PM 

Mag-post ng isang Komento

<< Home