Lunes, Disyembre 20, 2010

Bakit Nga Ba Ako Mataba?

Dalawang buwan na ang nakakaraan mula nang huli akong mag-post. Ano na ang nangyari mula nun? Dumami ang trabaho, at awa ng Diyos, nabawasan ang aking timbang.

Sinabi ko nun sa sarili ko na dapat below 185 (Hindi na obese) ako bago mag Pasko

Kumusta? Successful naman so far. Heto ako at 175 (with mah AngelzZzZ Nina and Mei):

Check ang goal ko :D yey!

Sa ngayon, dahil Christmas week na, stop muna ang diet ko. So para saan nga ba ang post na ito kung hindi tungkol sa pagpapayat at sa hirap ng pagiging mataba?

Bukod sa gusto ko lang, naisip kong isulat kung bakit ako tumaba (at tumataba).

Isang araw pa lang matapos ang aking diet, inupakan ko kaagad ang sinasabing Ultimate Buffet sa Pilipinas.....
"Spiral"..... oh shet....

Ibabahagi ko sa inyo ang aking mga nakain at hindi sa nagmamalinis, medyo kadiri sa pakiramdam at nakakasuka pagkatapos... heto na sila :D


2 Pork Siomai, 3 Sharksfin, 2 Hakao, 1 Beancurd Roll, Spoonful of Mabo Tofu, 2 Chunks of Chicken

3 Ebi Tempura, 1 Chicken Yakitori, 2 crispy chicken Chunks, Steamed Egg and Sukiyaki (not in the picture)

2 Duck Roll, Thin Slice of Prime Rib, A chunk of Persian Chicken, Thin Slice of Lamb (not in the picture)

1 Tempura Maki, 1 California Maki, 1 Ebi Maki (Hindi akin yung iba at Salmon)

Half of these sinful desserts

1/3 of these, ewan nga kasi nakakasuka na kaya hindi na naubos.

So ayun.... tumigil na ako kakakain kasi busog na busog na ako.... Hindi ako tumakbo that night, tingnan ko lang kung ilan pounds kinain ko.
So anung nangyari pag timbang ko kinabukasan? 
Tentenenen... 180lbs!!! 5lbs agad mula nung tumigil ako mag-diet!

So ngayon maliwanag na maliwanag kung bakit ako mataba at tumataba noon:
KASALANAN NG KATAKAWAN AT KATAMARAN KO.

Hindi ako tumatakbo nun, at sobra sobra ako kung kumain.

So ngayong 180lbs uli ako, gagawa uli ako ng bagong hamon sa sarili. 

Bago mag April 1, 2011, dapat ay at least 165lbs ako. Kung pwede ay 160lbs para hindi na overweight. (pahirap na ng pahirap magpapayat eh :p)

Wish me luck :D

Merry Christmas!

Huwebes, Oktubre 21, 2010

Mahirap Maging Mataba dahil... #31

kahit normal na mga polo, polo shirt, barong, kapag sinara mo ang pinakataas na butones, nagmumukhang turtleneck...


at mahirap din lumunok ng pagkain pag masikip...

Miyerkules, Oktubre 20, 2010

Mahirap Maging Mataba dahil... #30

sa laki ng tiyan ko, mas kadalasan akong nahuhuling bukas ang zipper ng pantalon dahil bukod sa tinutulak ng bilbil ang zipper pababa, hindi ko kaagad nakikita ang area ni Junior pag tumingin ako sa ibaba.....

Martes, Oktubre 19, 2010

Mahirap Maging Mataba dahil... #29

maraming instances na sagabal ang malaking tiyan sa mga normal na gawain. Bukod sa mahirap makahanap ng sinturon, sobrang dami pang disadvantage kapag malaki ang tiyan. Naranasan ko nung mga elementary pa lang ako:

Tanghalian yun, galing ako sa eskwelahan. pag-uwi ko sa bahay, Menudo ang ulam, paborito ko ang patatas na nabatad na sa sauce nito tapos dudurugin ko sa kanin kasama sauce, kaya yun ang madalas kong kunin.
Sa kinasamaang palad may naglagay ng Menudo sa gitna ng mesa (naka-"Lazy Susan" kami) after kumuha, so hindi ko na ito maabot ng nakaupo lang....

Ayun... pagkakuha ko ng Menudo, pati polo ko nakakuha na din ng Mantsa ng Menudo kasi sumayad tiyan ko sa plato.... at may kasama pang kanin...

Lunes, Oktubre 11, 2010

Mahirap Maging Mataba dahil... #28

hindi pwede satin ang mga low-quality na bagay. Dapat sa atin ay SUPER HEAVY duty! Heto ang isang example ng mga nasira kong bagay dahil hindi kinaya ang aking bigat:

yes, my friends! Ang nakikita niyo ay BAKAL na frame ng double-sized bed. Nakatupi siya sa gitna....
Hindi kinaya ang weight ko nung napaupo ako sa gitna habang nagsusuot ng medyas....... tragic

Huwebes, Oktubre 7, 2010

Mahirap Maging Mataba dahil... #27

tablado ka pag may nagma-kupal sayo sa parking. Anu nga ba ang sinasabi ko? Ito ay mga pangyayaring may tatabi sa'yo na kotse, na in-assume na "kasya ang tao" pag papasok sa kotse. Ang problema, pag mataba, dun nagkakamali estimation nila... so ganito na ang effect satin:



Hindi tayo makapasok! So kung pipili kayo ng kotse, make sure na hatchback o 3dr/5dr para naangat pinto sa likod. If there's a will, there's a way!

galing dito ang imahe:
http://1funny.com/tight-parking/

Linggo, Oktubre 3, 2010

Mahirap Maging Mataba dahil... #26

kahit anung linis mo sa katawan, at kahit anung dalas mo maligo. Kapag mataba ka, mas prone ka sa pangingitim ng mga singit singit gaya ng Kilikili, Leeg, Singit, minsan kahit sa singit between bilbils... Siyempre, pinaka-hassle yung sa leeg kasi kitang-kita agad


buti na lang, may solusyon!!! dahil...... cool ka kapag popped ang collars ng damit


hindi rin.....

galing dito ang mga larawan